Mga Magagandang Tanawin Sa Manolo Fortich Bukidnon
by: Marielle D. Cabilic BSES-2EMT2
Ang Lungod ng Manolo Fortich ay sagana sa mga
magagandang tanawin na binabalik-balikan ng mga tao. Mga tanawing magiging daan
mo upang takasan ang mga problema sa buhay at aliwin ang sarili kahit saglit
lamang. Ang Dahilayan Forest Park, Kampo Juan Adventure at Del Monte Pineapple
Plantation ay iilan lamang sa pinagmamalaki ng Manolo Fortich, napakarami kung
iisa-isahin ko bawat tanawin na siguradong hinding-hindi mo makakalimutan.
Dahilayan Forest Park
Ang Dahilayan Forest Park at Adventure Park sa
Bukidnon ay isa sa mga pinakamagandang lugar na binabalik-balikan ng mga
turista. Maraming mga palaruan at mga magagandang tanawin na makikita rito
dahilan sa pagdagsa ng maraming tao. Maraming rides ang maaaring makapagbigay
ng aliw sa bawat tao na siguradong babalik-balikan ng mga turista. Sa halagang
100 pesos ay maeenjoy mo na ang iyong bakasyon na siguradong hinding-hindi mo
makakalimutan.
Kampo Juan Adventure
Ang Kampo Juan Adventure ay isa sa mga pinagmamalaki
sa lungsod ng Manolo Fortich. Ito ay pinangalan kay Dr. Juan Acosta na isa sa
mga Pioneer of Horticulture and Plant Breeding sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan
sa Dicklum, Manolo Fortich, Bukidnon. Ang Kampo Juan ay ang pinakaunang
nakapagpaggawa ng Anicycle sa Pilipinas. Maeenjoy ng mga turista ang Hanging
Bridge at Zipline Rides sa napakamurang halaga.
Del
Monte Pineapple Plantation
Ang Del Monte Pineapple Plantation ay ang
pinakamalaking Pineapple Plantation sa boung Pilipinas at sa Far East. Ito ay
matatagpuan sa Camp Phillips, Manolo Fortich Bukidnon. Ito ay dinadagsa ng mga
turista sapagkat dito, malilimutan mo ang iyong mga problema. Ang sariwang
hangin na makakapakalma ng isip at puso ng isang tao.









No comments:
Post a Comment