Friday, October 23, 2020

Blog: Retorika

Mga Magagandang Tanawin Sa Manolo Fortich Bukidnon

by: Marielle D. Cabilic BSES-2EMT2


Ang Lungod ng Manolo Fortich ay sagana sa mga magagandang tanawin na binabalik-balikan ng mga tao. Mga tanawing magiging daan mo upang takasan ang mga problema sa buhay at aliwin ang sarili kahit saglit lamang. Ang Dahilayan Forest Park, Kampo Juan Adventure at Del Monte Pineapple Plantation ay iilan lamang sa pinagmamalaki ng Manolo Fortich, napakarami kung iisa-isahin ko bawat tanawin na siguradong hinding-hindi mo makakalimutan.

 

Dahilayan Forest Park

Ang Dahilayan Forest Park at Adventure Park sa Bukidnon ay isa sa mga pinakamagandang lugar na binabalik-balikan ng mga turista. Maraming mga palaruan at mga magagandang tanawin na makikita rito dahilan sa pagdagsa ng maraming tao. Maraming rides ang maaaring makapagbigay ng aliw sa bawat tao na siguradong babalik-balikan ng mga turista. Sa halagang 100 pesos ay maeenjoy mo na ang iyong bakasyon na siguradong hinding-hindi mo makakalimutan.




Kampo Juan Adventure

Ang Kampo Juan Adventure ay isa sa mga pinagmamalaki sa lungsod ng Manolo Fortich. Ito ay pinangalan kay Dr. Juan Acosta na isa sa mga Pioneer of Horticulture and Plant Breeding sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Dicklum, Manolo Fortich, Bukidnon. Ang Kampo Juan ay ang pinakaunang nakapagpaggawa ng Anicycle sa Pilipinas. Maeenjoy ng mga turista ang Hanging Bridge at Zipline Rides sa napakamurang halaga.




Del Monte Pineapple Plantation

Ang Del Monte Pineapple Plantation ay ang pinakamalaking Pineapple Plantation sa boung Pilipinas at sa Far East. Ito ay matatagpuan sa Camp Phillips, Manolo Fortich Bukidnon. Ito ay dinadagsa ng mga turista sapagkat dito, malilimutan mo ang iyong mga problema. Ang sariwang hangin na makakapakalma ng isip at puso ng isang tao.